BEIJING, Tsina—Nilagdaan dito kahapon ng Tsina at Amerika ang kanilang Memorandum of Understanding (MOU) sa Kooperasyon sa Estratehikong Reserba ng Langis.
Nilagdaan ang MOU ng mga departamento ng enerhiya ng dalawang bansa. Umasa anila silang masasamantala ang MOU para mapalawak ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng enerhiya.
Ang paglalagda sa MOU ay isa sa mga natamong bunga ng katatapos lang na dalawang-araw na Ika-anim na Diyalogong Estratehiko at Ekonomiko ng Tsina at Amerika.
Salin: Jade