Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(UPDATE) 410 ang nasawi at 12 ang nawawala sa lindol sa Yunnan

(GMT+08:00) 2014-08-05 17:30:59       CRI
Hanggang alas-2:30 kahapon ng hapon, 410 na ang naitalang patay sa lindol sa Ludian County, Qiaojia County, Zhaoyang County, Yongshan County ng Zhaotong City at Huize County sa Qujing City ng lalawigang Yunnan, Tsina. Kasabay nito, 12 ang nawawala at mahigit 2,373 ang nasugatan. Mahigit isang milyong mamamayan ang apektado at halos 229,000 ang pangkagipitang inilikas.

Patuloy na isasagawa ang relief work sa apektadong lugar. Ayon sa ulat, hanggang sa kasalukuyan, naglaan ang pamahalaan ng lalawigang Yunnan ng 23 milyong yuan RMB bilang relief fund, at ipinadala na sa nilindol na lugar ang mga relief material na gaya ng tolda, kumot, damit, tubig-inumin, pagkain, at iba pa.

batang lalaking nailigtas sa mga guho

 

inililipat ng mga tagapagligtas ang isang nasugatan

Upang mailigtas ang mga natabunang mamamayan, minobilisa ng pamahalaan ng Yunnan ang lahat ng resources na kinabibilangan ng mga pulis, sundalo at tauhang medikal. Ang Red Cross ng Tsina, Red Cross ng Yunnan, Red Cross ng Hong Kong at Red Cross ng Macao ay nagbigay na rin ng tulong.

nasugatang nakakatandang babae na ginagamot sa Ludian People's Hospital


mga tagapagligtas, naghahanap ng natabunan sa Qiaojia County na malapit sa Ludian County,
larawang kinunan ng
cellphone
 
lalaking nailigtas sa Qiaojia County na malapit sa Ludian County

Patuloy ngayon ang gawain ng pagliligtas. Samantala, nanumbalik na sa kabuuan ang telekomunikasyon at suplay ng koryente sa mga apektadong lugar. Pero, putol pa rin ang linya ng transportasyon dahil sa landslide at patuloy na pagbuhos ng ulan. Kinukumpuni na rin ng mga may kinalamang departamento ang mga napinsalang lansangan.

Sa kabilang dako, kapuwa inatasan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga departamento ng pamahalaang nasyonal at lokal na buong sikap na iligtas ang mga taong natabunan, gamutin ang mga nasugatan at ilipat ang mga apektadong residente. Nakarating na sa nilindol na lugar si Premyer Li Keqiang para pangasiwaan ang gawain ng pagliligtas sa lokalidad.

Kinumusta ni Premyer Li Keqiang ang kaginhawaan ng batang biktima ng lindol


Hiniling ni Premyer Li Keqiang na bigyang-daan ang isang nailigtas na sugatan

Alas-4:30 kahapon ng hapon, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Ludian. Ang epicenter nito ay labing-dalawang (12) kilometro ang lalim at matatagpuan din sa naturang lokalidad.


Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>