Sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar—ipininid dito kahapon ang ika-47 serye ng pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN. Sa panahon ng naturang tatlong araw na pulong, isinagawa ng mga opisyal ng mga kasaping bansa ng ASEAN at ibang 17 bansa't rehiyong kinabibilangan ng Tsina, Hapon, Timog Korea at Amerika ang mahigpit na pag-uugnayan, para hanapin ang lunas ng mga hamong kinakaharap ng konstruksyon ng ASEAN Community. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung gaya ng kooperasyon sa katiwasayang panrehiyon, at naglatag ng pundasyon para sa isang serye ng mga pulong ng mga lider ng ASEAN na idaraos sa Nay Pyi Taw sa Nobyembre ng taong ito.
Sa panahon ng pulong, iniharap ng Tsina ang 12 mungkahi para mapalakas ang partnership ng Tsina at ASEAN sa tatlong aspektong kinabibilangan ng kooperasyong pulitikal, kooperasyong panrehiyon, at kooperasyong pandagat. Bilang bansang tagapagkoordina ng relasyong Sino-ASEAN, ipinahayag ni Sihasak Phuangketkeow, umaaaktong Ministrong Panlabas ng Thailand, na winewelkam ng ASEAN ang mga hakbanging iniharap ng Tsina, at umaasa siyang mapapasulong, kasama ng panig Tsino ang ibayo pang pag-unlad ng partnership ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera