Binuksan kahapon sa Nay Pyi Taw, Myanmar ang ika-47 pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar, na ang kasalukuyang pangunahing target ng ASEAN ay itatag ang ASEAN Community sa taong 2015 para makapagtamasa ang kanilang mga mamamayan ng kapayapaan, kasaganaan at katatagan.
Bukod dito, hinimok niya sa mga bansang ASEAN na gamitin ang aktuwal na hakbangin para pangalagaan ang kapaligiran at isakatuparan ang sustenableng pag-unlad.
Samantala, idinaos din sa Nay Pyi Taw ang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Hapon, Timog Korea at ASEAN, at pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga bansa sa Silangang Asya.
Salin: Ernest