|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan sa Nay Pyi Taw, Myanmar, ang serye ng pulong hinggil sa pagtutulungan ng Silangang Asya. Lumahok dito si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.
Kabilang sa serye ng pulong ay ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN (10+1), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina,Hapon at Timog Korea (10+3), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng East Asia Summit (EAS), at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF).
Kaugnay ng relasyong Sino-ASEAN, sang-ayon ang dalawang panig na lagdaan ang Tratado ng Walang-Nuklear na Sona ng Timog-silangang Asya, pabilisin ang upgrading ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), magkasamang itatag ang maritime silk road para sa ika-21 siglo at itatag ang Bangko ng Asya sa Pamumuhunan sa Imprastruktura.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, iminungkahi ni Ministro Wang na kailangang lutasin ang mga alitan ng mga may direktang kinalamang bansa sa pamamagitan ng talastasan at kasabay nito, ang kapayapaan sa South China Sea (SCS) ay kailangang magkakasamang pangalagaan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Sang-ayon din ang Tsina at mga bansang ASEAN na idaos sa Thailand sa darating na Oktubre ang Ika-8 Pulong sa Mataas na Antas para sa Pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) bilang early harvest para sa susunod na talastasan hinggil sa Code of Conduct (COC).
Kaugnay naman sa pagtutulungan ng Silangang Asya, sang-ayon ang mga kalahok na ministrong panlabas na kailangang pahigpitin ng mga bansa ang pagtutulungan sa pinansya, connectivity, kalakalan at kabuhayan, pagpapahupa ng epektong dulot ng kalamidad, kaligtasang pang-enerhiya at kaligtasan ng pagkain.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |