Ayon sa pahayag kahapon ng pamahalaang lokal ng Yunnan, 200 milyong yuan RMB (33 milyong dolyares) ang nailaan ng Pambansang Komisyon ng Kaunlaran at Reporma para sa rekonstruksyon ng mga nilindol na lugar. Inaasahang matatapos ang rekonstruksyon sa loob ng tatlong taon.
Noong ika-3 ng Agosto, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Ludian County, Zhaotong City ng Yunnan. 617 ang namatay sa lindol, 112 ang nawawala at mahigit 3,100 ang nasugatan. Umabot sa 61 bilyong yuan RMB (10 bilyong dolyares) ang kapinsalaang pangkabuhayan sa lokalidad.
Ayon pa sa pahayag, isinasagawa ngayon ng mga may kinalamang departamento ang plano ng rekonstruksyon.
Salin: Jade