Binuksan kahapon sa Haikou, kabisera ng lalawigang Hainan sa dulong timog ng Tsina ang dalawang-araw na Ikalawang Pandaigdig na Simposyum hinggil sa Pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Kalahok dito ang mahigit 40 kinatawan at dalubhasa mula sa Tsina, Pilipinas, Indonesia, Biyetnam, Malaysia, Singapore, Amerika, Britanya at Australia.
Kabilang sa mga pangunahing paksa ay ang kahirapan ng pagpapatupad sa DOC; pangangalaga sa yamang biolohikal ng South China Sea at pagtatatag ng may kinalamang mekanismo; at magkakasamang pagbibigay-dagok sa krimen sa South China Sea.
Sinabi ng mga dalubhasa na noong 2002, nilagdaan ng Tsina at sampung bansang ASEAN ang DOC para mapangalagaan ang katatagan ng karagatang ito, at mapasulong ang pagtutulungan. Pero, anila pa, kasalukuyang kinakaharap ng Deklarasyon ang malaking hamon pagdating sa pagpapasulong ng pagtutulungan. Hiniling nila sa mga signataryong bansa na pasulungin ang diyalogo para totoong tupdin ang DOC at maisakatuparan ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan.