Sa kanyang talumpati sa high level symposium ng APEC hinggil sa pakikibaka laban sa korupsyon na idinaos sa Beijing kahapon, tinukoy ni Huang Shuxian, Pangalawang Puno ng Central Commission for Discipline Inspection(CCDI) ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) na lubos na pinahahalagahan ng partido at pamahalaan ng Tsina ang paglaban sa korupsyon. Ayon pa kay Huang lalo pang pahihigpitin ng CCDI ang nasabing gawain.
Sinabi niyang sa harap ng globalisasyong pangkabuhayan at integrasyong pangkabuhayan ng rehiyon, dapat pahigpitin ang kooperasyon ng komunidad ng daigdig sa larangang ito.