Ayon sa "Ilang Mungkahi ng Konseho ng Estado hinggil sa Pagpapasulong ng Reporma sa Industriyang Panturista," iniharap nito ang pagkansela sa Pagsusuri sa Proyekto ng Turismong Panghanggahan para mapasulong ang mabilis na pag-unlad ng turismo sa aspektong ito.
Ayon kay Dai Bin, Puno ng China Tourism Academy, ang naturang "mungkahi" ay makakapagpasulong sa rehiyonal na kooperasyong panturista ng Tsina sa Timog Silangang Asya, Timog Asya, Gitnang Asya, Hilagang Silangang Asya, at Gitnang Silangang Europa.
Salin: Li Feng