Ipinahayag kahapon ni Valeriy Heletie, Ministrong Pandepensa ng Ukraine na alinsunod sa kasunduang narating sa NATO Summit, nagsimula nang tumanggap ang Ukraine ng mga sandata mula sa ibang bansa.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng Party of Regions(PR) ng Ukraine ang pagtanggi sa pagdaraos ng halalang pamparliamento sa ika-26 ng Oktubre.
Nauna rito, ipinatalastas noong Agosto ni Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine ang maagang pagtigil ng ika-7 parliamento ng bansa at idaraos sa ika-26 ng Oktubre ang halalan para sa susunod na parliamento.