Ipinahayag ngayong araw ni Chuck Hagel, Kalihim na Pandepensa ng Amerika na isasagawa ng kanyang bansa ang mga hakbang para ibayo pang pahigpitin ang pakikibaka laban sa IS. Ayon pa kay Hagel, kabilang dito ang pagpapatuloy ng air raid at pagpapahigpit ng pagtutulungang pandagidig. Sinabi niyang bibigyan ng tulong ng Amerika ang mga sandatahang lakas ng oposisyon sa Syria, tropang panseguridad ng Iraq at mga Kurdish para labanan ang IS.
Samantala, ipinahayag naman kahapon ni Pangulong Francois Hollande ng Pransya na magbibigay ito ng tulong na panghimpapawid para sa paglaban sa IS sa loob ng teritoryo ng Iraq. Pero, aniya pa, hindi siya magpapadala ng mga tropang panlupa.