|
||||||||
|
||
Si Ashraf Ghani Ahmadzai
Ipinalabas kahapon ng Afghan Independent Election Commission (IEC) ang pinakahuling resulta ng botohan, at nahalal si Ashraf Ghani Ahmadzai, dating Ministrong Pinansyal bilang bagong Pangulo ng Afghanistan. Ito ay kauna-unahang pagkakataong maalwang nailipat ang kapangyarihan, sapul nang itatag muli ang estado ng Afghanistan.
Ipinahayag kahapon ng tagapagsalita ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na ikinasisiya ng UN ang resulta ng halalan sa Afghanistan at pagkahalal ni Ashraf Ghani Ahmadzai bilang bagong Pangulo ng bansa.
Aniya pa, isang kasunduan ang narating sa pagitan ni Ashraf Ghani Ahmadzai at kanyang katunggaling kandidato sa pagbuo ng pamahalaang may pagkakaisa. Ito ay magbibigay-daan para sa katatagan at kasaganaan ng Afghanistan sa hinaharap.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |