Ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na aktibong sinusuportahan ng kanyang bansa at aktibo itong lumalahok sa mga mapayapang aksyon ng United Nations (UN).
Nagtalumpati si Wang sa pulong ng UN hinggil sa isyu ng mapayapang aksyon na idinaos nang araw ring iyon sa New York.
Aniya, hanggang sa kasalukuyan, nagpadala na ang Tsina ng mahigit 25 libong person-time para lumahok sa mga aksyon ng UN.
Sinabi ni Wang na nakahanda ang kanyang bansa na magpadala ng mas marami pang pulis, dalubhasa at helikopter sa mga mapayapang aksyon ng UN sa hinaharap.
Binigyang-diin niya na palagiang iginigiit ng Tsina ang pangako sa pangangalaga sa kapayapaan at nakahanda itong magbigay ng mas marami at masipag na pagsisikap para rito.