Ipinatalastas kahapon sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagdaraos ng Ika-8 Pulong ng mga Mataas na Opisyal hinggil sa Pagpapatupad sa "Declaration on Conduct of Parties in the South China Sea(DOC)," sa Bangkok, Thailand mula ika-28 hanggang ika-29 ng Oktubre. Isiniwalat din ni Hua ang pagdalo ni Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Jianmin ng Tsina at mga mataas na opisyal na panlabas ng mga bansang ASEAN, kasunod ng ika-12 pulong ng joint working group tungkol sa pagpapatupad sa DOC. Tatalakayin sa pulong ang hinggil sa ganap at epektibong pagpapatupad sa DOC, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon sa South China Sea, at pagbalangkas sa mga detalye ng aksyon sa South China Sea, batay sa nasabing deklarasyon.