Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider ng Tsina at Biyetnam, nag-usap

(GMT+08:00) 2014-10-28 11:40:31       CRI

Sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap kahapon sa Hanoi si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina kina Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trọng at Pangulong Truong Tan Sang ng Biyetnam.

Ipinahayag ni Yang na kasalukuyang nasa masusing yugto ang pagpapabuti at pagpapasulong ng relasyong Sino-Biyetnames. Sinabi niyang ang pagpapabuti sa naturang relasyon ay hindi lamang angkop sa komong interes ng Tsina at Biyetnam, kundi makakatulong din sa pagsasakatuparan ng kani-kanilang pag-unlad, pagpapasulong ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at pagpapabilis ng panlahat na kasaganaan. Aniya, umaasa ang Tsina na magkakaroon ng pagpapalitang di-pampamahalaan ang dalawang panig para pasulungin ang pag-uunawaan ng mga mamamayan nito; malutas ang alitan ng dalawang panig sa karagatan sa pamamagitan ng diyalogo para pangalagaan ang katatagan at pasulungin ang pagtutulungan ng bilateral na relasyon.

Ipinahayag naman ni Nguyen Phu Trọng na ang pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina ay hindi lamang ang pangmatagalang estratehiya ng partido at pamahalaan ng Vietnam, kundi maging priyoridad din sa patakarang panlabas ng bansa. Nakahanda aniya ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang kanilang mataas na pagkokontakan at pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan; maayos na hawakan ang mga isyu sa karagatan at pangalagaan ang katatagan ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi rin ni Truong Tan Sang na palaging positibo ang Vietnam sa pakikipagtulungan nito sa Tsina. Umaasa aniya siyang pasusulungin ang relasyong ito sa isang mas mataas na antas, batay sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan at pagpapasulong ng pagtutulungan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>