BEIJING, Xinhua—Sinabi kahapon ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina na 180 suspek sa krimeng pangkabuhayan sa ibayong dagat ang nadakip ng bansa sapul nang simulan ang isang may kinalamang kampanya noong nagdaang Hulyo.
Nahuli ang nasabing mga suspek na Tsino sa 40 bansa at rehiyon. Sa lahat ng 180 suspek, 104 ang nadakip ng pulis, samantalang 76 naman ang pinayuhang bumalik sa Tsina at sumuko sa kapulisan.
Idinagdag pa ng nasabing ministring Tsino, na dahil sa kooperasyon at suporta ng mga may kinalamang bansang dayuhan, natamo ng nabanggit na kampanya ang "breakthrough" sa pagdakip sa mga suspek sa Aprika, Timog Amerika, Timog Pasipiko at Kanlurang Europa. Kasabay nito, 20 grupo ang ipinadala ng Tsina sa Pilipinas, Thailand, Malaysia, Kambodya at iba pang mga kapitbansa ng Tsina, at 75 suspek ang naaresto sapul nang ilunsad ang kampanya, 100 araw ang nakakaraan.
Salin: Jade