Isiniwalat ngayong araw ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) sa Beijing na dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng APEC CEO Summit at bibigkas ng talumpati.
Ang CEO Summit ay isa sa serye ng mga pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Ito ay nagiging mahalagang platform ng pagpapalitan ng mga lider ng ekonomiya at mga tauhan ng sirkulo ng industriya at komersyo, at ito rin ay aktibidad na may pinakamalaking impluwensiya sa sirkulo ng industriya at komersyo sa Asya-Pasipiko.
Idaraos sa Beijing ang 2014 APEC CEO Summit mula sa ika-9 hanggang ika-11 ng Nobyembre, at ang tema sa taong ito ay "New Vision for Asia Pacific: Creativity, Connectivity, Integration, Prosperity."
salin:wle