|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay Pangulong Barack Obama ng Amerika, iminungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ibayo pang pagpapasulong ng bagong tipong relasyong Sino-Amerikano, sa anim na priyoridad na direksyon.
Una, pagpapahigpit ng pagpapalitan sa mataas na antas at pagpapasulong ng estratehikong pagtitiwalaan, sa pamamagitan ng mekanismo ng diyalogo na kinabibilangan ng China-US Strategic and Economic Dialogue, High-level Symposium on People-to-People Exchange at iba pa.
Ikalawa, maayos na paghawak sa bilateral na relasyon batay sa pagbibigay-galang sa isa't isa. Bilang dalawang pinamakalaking bansa sa daigdig na nasa nagkakaibang kalagayan sa kasaysayan at kasalukuyan, may pag-asang magbibigay-galang ang dalawang panig sa pangangalaga sa kani-kanilang kabuuang soberanya at teritoryo, at pagpili ng sistemang pulitikal at landas ng pag-unlad. Huwag sapilitang ipataw ang sariling mithiin at modelo sa kabilang panig. Ito ang paunang kondisyon at batayan para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Ikatlo, ang pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Amerika sa ibat-ibang larangan ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi mayroon din ito ng matibay na pundasyon. May pag-asa ang Tsina na palawakin ang naturang pagtutulungan sa kabuhayan at kalakalan, larangang militar, pakikibaka laban sa terorismo, law enforcement, enerhiya, kalusugan, imprastruktura at iba pa para magbigay ng bagong kasiglaan sa pagpapasulong pa ng bilateral na relasyon; pasusulungin ang pagpapalitan ng pamahalaan, lehislatura, media, kabataan at ibat-ibang sektor, para patibayin ang batayang panlipunan ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Ikaapat, pangangasiwa at pagkontrol sa mga alitan at sensitibong isyu sa pamamagitan ng konstruktibong paraan. May pag-asa ang Tsina na maayos na lulutasin ang mga sensitibong problema, at huwag isasagawa ang mga aksyong makakapinsala sa kani-kanilang nukleong interes para pangalagaan ang katatagan ng relasyong Sino-Amerikano.
Ikalima, pagsasagawa ng inklusibong kooperasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko. May pag-asa ang Tsina na isasagawa ng dalawang bansa ang kooperasyon at koordinasyon sa Asya-Pasipiko, igigiit ang inklusibong patakarang diplomatiko para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Ikaanim, magkasamang pagharap sa ibat-ibang hamong panrehiyon at pandaigdig. Handa na ang Tsina na pahigpitin ang koordinasyon at kooperasyon sa Amerika sa mga mainit na isyung panrehiyon na gaya ng isyung nuklear ng Iran at Hilagang Korea, isyu ng Afghanistan, at mga isyung pandaigdig na gaya ng pakikibaka laban sa terorismo, pagbago ng klima, pagpigil sa pagkalat ng epidemiya para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan ng daigdig at kaunlaran ng sangkatauhan.
Binigyang diin ng Pangulong Tsino ang pag-asang maitatatag ang bagong relasyong militar na pantay-pantay sa bagong relasyon ng Tsina at Amerika, batay sa nilagdaan na kasunduan hinggil sa pagtatatag ng mekanismo sa connectivity ng aksyong militar at norma ng conduct sa military security sa open sea, pagpapalalim ng palitang militar, magkasanib na ensayo at iba pa. Tinukoy ng Pangulong Tsino na ang kasunduan hinggil sa pagbibigay-ginhawa sa pagbibigay ng visa para sa negosyante, turista at estudyante ay makakatulong sa pagpapahigpit ng people-to-people exchanges ng dalawang bansa. Binigyang-diin ng Pangulong Tsino na positibo ang Tsina sa pagbuo ng ideyang panseguridad ng Asya, bangko ng imprastruktura at pamumuhunan ng Asya at silk road foundation. Ang mga ito ay nagpapakita ng bukas at inklusibong paninindigan ng Tsina. Tinatanggap ng Tsina ang pakikisangkot ng mga may kinalamang bansang kinabibilangan ng Amerika sa usaping ito. Tinukoy din ng Pangulong Tsino na ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa Taiwan Straits ay angkop sa komong estratehikong interes ng Tsina at Amerika. May pag-asa ang Tsina na igigiit ng Amerika ang patakarang isang Tsina at tatlong magkasanib na kumunike ng Tsina at Amerika, at itatakwil ang pagbebenta ng sandata sa Taiwan para totohanang magbigay-suporta sa mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.
Ipinahayag naman ni Pangulong Barack Obama na nitong 35 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko, mabilisang umuunlad ang relasyong Sino-Amerikano, at ito ay gumanap ng masusing ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig. Sinabi ng Pangulong Amerikano na positibo siya sa naturang mga paninindigan ng Tsina sa pagpapasulong ng bagong relasyong Sino-Amerikano. Inulit ng Pangulong Amerikano ang pagtanggap sa lumalakas na bansang Tsina na gumaganap ng mas masusing papel sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng daigdig, at ito ay angkop sa interes ng Amerika; wala itong intensyon sa pangungubkob sa Tsina at paghadlang sa reunipikasyon ng bansa; pagtutol sa "kasarinlan ng Taiwan" at pagsuporta sa kabutihan ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits; pagkilala sa Tibet bilang bahagi ng Tsina at pagtutol sa "kasarinlan ng Tibet." Ipinahayag din ng Pangulong Amerikano ang suporta sa isinasagawang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, pag-asang pagpapasulong sa balanse ng bilateral na kalakalan, pagpapahigpit ng kooperasyon sa agrikultura at seguridad ng pagkaing-butil, at pagbibigay-suporta sa palitang di-pampamahalaan ng dalawang panig. Ipinahayag ng Pangulong Amerikano ang pag-asang pahihigpitin ng hukbong Amerikano at Tsino ang pagtutulungan at diyalogo sa mas malawak na larangan para iwasan ang paggawa ng maling konklusyon at pigilin ang sagupaan. Dagdag pa niya, handa na ang Amerika na itatag, kasama ng Tsina, ang relasyong pangkooperasyon, sa halip na maging magkalaban para mapangalagaan ang seguridad at katatagan ng rehiyon.
Samantala, narating ng dalawang lider ang mga komong palagay hinggil sa pagpapahigpit ng koopersyong bilateral, panrehiyon at pandagidig, na gaya ng pagpapabilis ng talastasan sa bilateral na pamumuhunan, pagpalabas ng magkasanib na pahayag ng Tsina at Amerika sa pagbago ng klima, pagsasagawa ng ekstensyon ng visa, magkasamang pakikibaka laban sa terorismo alinsunod sa Karta ng UN at mga norm sa relasyong pandagidig, patuloy na pagbibigay-tulong, kasama ng komunidad ng daigdig, para sa paglaban sa Ebola sa Aprika, patuloy na pagpapahigpit ng diyalogo sa isyu ng Iran, Hilagang Korea at Afghanistan para sa maayos na kalutasan.
Bukod dito, nagpalitan din ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa isyu ng South China Sea, karapatang pantao, monetary policy at iba pa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |