|
||||||||
|
||
BRISBANE, Australia—Natapos kahapon ang Ika-9 na G20 Summit kung saan ipinalabas ang Brisbane Communiqué. Ayon sa Komunike, ang pagpapasulong ng pandaigdig na kaunralang pangkabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay at hanap-buhay ng mga tao ay nananatili pa ring priyoridad ng G20.
Anito, sa taong ito, itinakda ng G20 ang plano na itaas pa ng 2% ang GDP nito sa loob ng 5 taon.
Ipinalalagay ng mga kalahok na lider na mahalaga sa pagpapasulong ng kabuhayan at paglikha ng trabaho ang paglutas sa kakulangan sa pandaigdig na puhunan at pamumuhunan sa imprastruktura. Sinang-ayunan din ng mga lider ang pagtatatag ng Sentro ng Pandaigdig na Imprastruktura.
Inulit din ng mga lider ng G20 ang hangarin na pasulungin ang kalakalan sa pamamagitan ng mga pagpapadali ng mga prosedyur ng adwana at paglaban sa proteksyonismo.
Hiniling din ng Komunike sa mga miyembro ng G20 na palakasin ang kanilang koordinasyon sa larangan ng enerhiya para mapataas ang episyensiya ng paggamit ng enerhiya.
Mababasa rin sa Komunike ang mga paksa na tulad ng pagbabago ng klima at epidemya ng Ebola.
Sa katatapos na G20 Summit, ang pagpapalaki ng kabuhayan at trabaho, pagtatatag ng mas masiglang pandaigdig na kabuhayan at pagpapalakas ng papel ng mga organisasyong pandaigdig ay nagsisilbing tatlong pangunahing paksa.
Ang Turkey ang siyang magtataguyod sa G20 Summit sa 2015; samantalang idaraos naman ito sa Tsina sa 2016.
Salin: Jade
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |