Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng EU, hindi inilabas ang bagong hakbangin ng sangsyon laban sa Rusya

(GMT+08:00) 2014-11-18 14:47:57       CRI

Nagtalakayan kahapon sa Brussels ang mga Ministrong Panlabas ng 28 miyembro ng Unyong Europeo (EU) hinggil sa isyu ng Ukraine. Hindi nila inilabas ang bagong hakbangin ng sangsyon laban sa Rusya.

Sa resolusyon pagkaraan ng nasabing pulong, hindi nabanggit ang sangsyon sa Rusya, ngunit, inulit nito na ang Minsk Agreement ay mahalagang hakbang para malutas ang krisis ng Ukraine. Nanawagan ang EU sa mga may kinalamang panig na tupdin ang kasunduang ito, igalang ang pagtigil ng putukan, iurong ang mga iligal na sandatahang lakas, at igarantiya ang kaligtasan sa hanggahan ng Rusya at Ukraine. Samantala, binigyan-diin ng kasunduan ang tungkulin ng Rusya sa pagpapatupad ng Minsk Agreement.

Tinukoy ni Federica Mogherini, Mataas na kinatawan ng European Union for Foreign Affairs and Security Policy, na kung ilalabas ng EU ang bagong hakbang para ipataw ang sangsyon sa Rusya, kailangan nitong isagawa ang diyalogo sa Rusya at kailangan din ng Ukraine ang reporma.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>