Ipinalabas noong ika-20 ng buwang ito ni Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine ang mapayapang plano, at ipinatalastas ang isang linggong tigil-putukan sa rehiyon ng silangan ng Ukraine. Hinggil dito, ipinahayag ng Amerika, Pransya, Alemanya, at iba pang bansa ang pagkatig. Iminungkahi naman ng Rusya na isagawa ng Ukraine ang diyalogo sa pagitan ng iba't ibang panig, batay sa tigil-putukan.
Ayon sa ulat ng local media, kamakalawa at kahapon, naganap pa rin sa Donetsk at Luhansk Oblast, silangan ng Ukraine, ang sagupaan. Hindi tinupad ng sandatahang lakas at armadong grupo ang utos ng tigil-putukan.
Salin: Andrea