Ayon sa ulat ng UN Office of the High Commissioner for Human Rights kahapon, nitong nakalipas na isang buwan, nagdulot ng malaking kasuwalti ang sagupaan sa pagitan ng tropang pampamahalaan at sandatahang lakas ng lokalidad sa silangan ng Ukraine.
Ayon sa datos ng UN Office of the High Commissioner for Human Rights, World Health Organization, UN Refugee Agency, at iba pang may kinalamang organo, mula noong kalagitnaan ng Abril hanggang ika-26 ng Hulyo, ang sagupaan sa silangan ng Ukraine ay ikinamatay ng di-kukulangin sa 1129. Samantala, hanggang ika-25 ng Hulyo, mahigit 100 libong Ukrainian ang lumisan ng kanilang bayang tinubuan.
Salin: Andrea