Ipinahayag kahapon ni Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand, na sa kasalukuyan, nasa state of martial law pa rin ang bansa.
Winika ito ni Chan-ocha sa isang espesyal na talakayan ng Thailand National Defence College nang araw ring iyon. Aniya, sa kasalukuyan, kailangan pa ring patuloy na isasagawa ang martial law. Dagdag niya, ikinasisiya ng mga dayuhan ang pagpapanumbalik ng Thailand ng katatagan. Sa kasalukuyan, maligtas ang pagbisita sa Thailand, dahil natapos na ang sagupaan at demonstrasyon nitong nakalipas na mahabang panahon.
Salin: Vera