HINDI pinag-aaralan ng Liberal Party na maging presidential candidate nila si Senador Grace Poe at Vice President Jejomar Binay sa 2016.
Ayon kay Congressman at Liberal Party Secretary General Mel Senen Sarmiento wala pa silang napapapg-usapan na gawing presidential candidate si Senador Poe.
Anak ng namayapang "action king" na si Fernando Poe, Jr. ang senador. Natalo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang artistang si Poe noong 2004 sa likod ng mga batikos na nagkaroon ng mga dayaan. Sinabi naman ni Caloocan Congressman Edgar Erice na naghahanap sila ng kandidatong may malawak na karanasan sa politika.
Ang bagitong si Poe ang nanguna sa mga nagwaging senador noong 2013. Naging chair siya ng Movie and Television Review and Classification Board bago siya nagwagi.