Isang batch ng materyal na pantulong ang naihatid kahapon ng umaga ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina sa Malaysia para tulungan ang mga mamamayang Malay na apektado ng baha.
Alas 10:03 kahapon ng umaga (Beijing/Manila Time), dalawang IL-76 aircraft na lulan ang nasabing mga materyal na pantulong ang nakarating sa Kuala Lumpur.
Sapul noong Disyembre, 2014, binabaha ang ilang lugar ng Malaysia. Ito ang pinakamalubhang baha na naranasan ng bansang ito nitong mahigit 40 taong nakalipas. Sa kahilingan ng Ministri ng Depensa ng Malaysia, ang PLA ay naghanda ng tolda, generator, bomba ng tubig, kagamitang panlinis ng tubig at iba pa.
Salin: Jade