|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ng China CNR Corporation Limited, pangunahing manufacturer ng locomotives ng Tsina, ang kontrata nito sa Amerika para iluwas ang tren ng subway sa huli.
Ang nasabing kompanyang Tsino ay magbebenta ng 284 tren ng subway na nagkakahalaga ng 4.118 bilyong yuan (670 milyong U.S. dollars) sa transportation regulator ng Massachusetts. Gagamitin ang mga tren sa Red at Orange Subway Lines ng Boston.
Ito ang unang kasunduan hinggil sa lokomotora sa pagitan ng Tsina at Amerika.
Idinisenyong umandar ng 102 kilometro bawat oras at 129,000 kilometro bawat taon ang iluluwas na tren. Inaasahan itong isasaoperasyon sa 30 taon.
Binabalak din ng China CNR Corporation Limited na lumagda ng katulad na kontrata sa ibang lugar ng Amerika na gaya ng New York at Washington D.C. Itatayo rin ng bahay-kalakal na Tsino ang R&D center sa Amerika para mapasulong ang lokalisasyon ng produksyon.
Sa kasalukuyan, nakikipag-usap ang Tsina sa 28 bansa hinggil sa pagluluwas ng rail technology nito.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |