"Sa harap ng presyur mula sa labas ng bansa, dapat patibayin ng Rusya ang soberanyang pangkabuhayan at pinansyal." Ito ang ipinahayag kahapon ni Pangulo Vladimir Putin ng Rusya bilang tugon sa lumalaking presyur dahil sa pagbaba ng pambansang kabuhayang apektado ng isinasagawang sangsyon mula sa bansang kanluranin at patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig.
Binigyang diin ni Putin na buong lakas na magsisikap ang Rusya para palakasin ang kakayahan sa pagpigil sa negatibong elemento mula sa labas ng bansa, batay sa pagpapabuti ng estruktura ng industriya, pagpapasulong ng siyensiya, teknolohiya, agrikultura at pinansya, at pagpapataas ng episyensya ng produksyon.