Mula ika-6 hanggang ika-8 ng buwang ito, idaraos ang ika-51 Munich Security Conference (MSC) sa Alemanya para talakayin ang isyung "Paglala ng Kaayusang Pandaigdig" (Collapse of International Order).
Ayon sa tagapag-organisa ng pulong, ang nabanggit na paksa ay kinabibilangan ng krisis ng Ukraine, epekto nito sa balangkas na panseguridad ng Europa, at paglalala ng kalagayang panseguridad sa Gitnang Silangan.
Bukod dito, tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa pandaigdigang krisis ng refugees at paglaban sa terorismo.
Dadalo si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Pamahalaang Tsino, sa seremonya ng pagbubukas ng pulong na ito at magbibigkas ng talumpati.