Dalawang insidente ng pambobomba ang naganap kahapon sa Baghdad, kabisera ng Iraq. Sa kasalukuyan, 36 na katao ang nasawi sa insidenteng ito at 94 ang nasugatan.
Ang mga nasugatan ay kasalukuyan nang nasa ospital, pero tinatayang tataas pa rin ang bilang ng mga nasawi.
Sa kasalukuyan, wala pang anumang organisasyon o indibiduwal ang umaako ng responsibilidad sa nabanggit na pambobomba.
Noong ika-5 ng buwang ito, ipinatalastas ng Pamahalaan ng Iraq na aalisin ang curfew mula ika-7 ng buwang ito. ipinalalagay ng mga tagapag-analisa sa lokalidad na ito'y nagpababa ng puwersang pandepensa para sa mga teroristikong pag-atake.