Sina Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, at PM Shinzo Abe ng Hapon
"Ang siryosong pagharap sa kasaysayan ay paunang kondisyon sa pagsasakatuparan ng rekonsilyasyon ng mga may-kinalamang bansa, pagkaraan ng WWII." Ito ang ipinahayag kahapon ni dumadalaw na Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, pagkaraan ng kanyang pakikipag-usap kay Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa kooperasyong pangkabuhayan ng Hapon at Europa, patakaran ng enerhiyang nuklear, kalagayan sa Ukraine, reporma ng UN at iba pa.
Nauna rito, tinukoy din ni Merkel sa isang public speech sa Tokyo na ang siryosong pagharap ng Alemanya sa Nazi history ay nagsisilbing susi sa pagsasakatuparan ng rekonsilyasyon sa mga kapitbansa, at muling tinanggap ito ng komunidad ng daigdig.