Sa pulong ng Mababang Kapulungan kahapon, malinaw na ipinahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na upang magkaloob ng ginhawa sa pagpapadala ng self-defence force sa ibayong dagat sa anumang sandali sa hinaharap, itatakda ang isang may kinalamang pangmatagalang batas.
Ayon sa tadhana ng umiiral na batas ng Hapon, kinakailangan ng bawat pagpapadala ng Hapon ng self-defence force sa ibayong dagat ang pagtatakda ng pamsamantalang espesyal na batas at pagpapatibay ng kongreso. Pagkatapos ng tungkulin, mawawalan ng bisa ang naturang pamsamantalang batas.
Umaasa ang pamahalaan at Liberal Democratic Party ng Hapon na sa pamamagitan ng pagtatakda ng pangmatagalang batas, mapapadali ang prosedyur ng pagpapadala ng self-defence guard sa labas, at mapapaikli ang oras ng reaksyon. Tinukoy ng tagapag-analisa na kung itatakda ang ganitong batas, maaaring lumaki ang posibilidad ng pakikisangkot ng self-defence force sa mga alitang militar.
Ayon sa ulat ng Jiji Press, negatibo sa pagtatakda ng naturang pangmatagalang batas ang New Komeito Party, at patuloy na magsasanggunian ang nabanggit na dalawang partido hinggil dito.
Salin: Vera