"Dapat siryosong harapin ng Hapon ang kasaysayan para matamo ang pagtitiwala mula sa mga kapitbansa." Ito ang ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Timog Korea bilang tugon sa pahayag kamakalawa sa Hapon ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya hinggil sa sirsoyong pagharap sa kanilang mapanalakay na kasaysayan noong WWII.
Ipinahayag ng Ministring Panlabas ng T.Korea na ipinakita ng Alemanya ang atityud ng pag-amin sa pagkakasala at pagsisisi sa kasaysayan, at ito ay nagsisilbing pundasyon sa pagsasakatuparan ng rekonsilyasyon at kooperasyon ng Europa.