"Dapat seryosong harapin ng Hapon, tulad ng Alemanya, ang kasaysayan." Ito ang ipinahayag kamakailan ni Magosaki Ukeru, dating opisyal ng Ministring Panlabas ng Hapon, bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya hinggil sa mga isyung pangkasaysayan habang dumadalaw sa Hapon. Sinabi niyang lumikha ng kapinsalaan ang mapanalakay na militaristikong kasaysayan ng Hapon sa mga kapitbansa. Dapat aniyang magsikap ang Hapon, tulad ng Alemanya, para maitatag ang mapagkaibigang relasyon, kasama ng mga kapitbansa.