"Palaging iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad at isinasagawa ang patakarang pandepensa na nagbibigay ng priyoridad sa pagtatanggol sa sarili. Ang pinalakas na konstruksyong militar ay ang mga suliraning panloob ng bansa at hindi itong magbabanta sa ibang bansa." Ito ang ipinahayag kahapon ng panig militar ng Tsina bilang tugon sa pagpuna mula sa Amerika sa kanilang "Estratehiya sa Kooperasyong Militar sa Karagatan sa Ika-21 Siglo" na isinapubliko kamakailan.
Ipinahayag din ng Tsina na hindi mababago ang paninindigan ng bansa sa mga isyung pandagat. Hinimok ng Tsina ang Amerika na itigil ang pagpalabas ng mga di-responsableng pahayag, at magsikap ito para palakasin ang pagtitiwalaan at malusog na pagtutulungan ng dalawang hukbo.