|
||||||||
|
||
Inilathala kamakailan ng Daily Mail ang mga litrato hinggil sa tradisyonal na paraan ng pangingisda sa Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina.
Ang mga larawan ay kinunan ng isang 45 taong gulan na Russian photographer na si Viktoriia Rogotneva.
Mahigit 1000 taon na ang ganitong tradisyonal na paraan ng pangingisda.
Nagpalaya ang mangingisda ng mga cormorant at naghintay. Pagkaraang makahuli ang mga cormorant ng isda, bumalik ito sa bangka, at kinuha ng mangingisda ang isda mula sa tuka ng mga cormorant.
Bawat umaga, dalawa hanggang tatlong oras na nanghuhuli ang mga mangingisda gamit ang ibon, at nakakahuli sila ng halos apat na kilogram na isda bawat araw.
Inilagay ng mangingisda ang isang argolya sa lalamunan ng cormorant, upang maiwasang kainin ng cormorant ang isda, pero hindi nito sinasaktan ang ibon.
Dahil kontrolado ng mga mangingisda ang bolyum ng isda na huhulihin nila, walang alinmang banta sa kapaligirang ekolohikal ang ganitong paraan ng pangingisda.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |