ANG pitong buwang truck ban sa Matro Manila ang ikinawala ng may P43.85 bilyon sa pambansang ekonomiya. Kahit pa sinabi ng mga namumuno sa bansang normal na ang operasyon mula noong Pebrero, kailangang daluhan ang maraming problema sa port congestion at hindi paggamit ng ibang mga daungan.
Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na pinamagatang Port Congestion and Underutilization in the Greater Capital Region: Unpacking the Issues, ang tumalakay sa ugat ng pagkapuno ng daungan at nagmungkahi ng mga posibleng magawa tulad ng pagbabalik ng Philippine National Railways upang higit na maging madali ang pagdaloy ng mga paninda at kargamento.
Sa tatlong daungang kabilang sa Greater Capital Region tulad ng Maynila, Subic at Batangas, pinakamaraming gumagamit ng daungan sa Maynila na freight forwarders, logistics services at truckers.
Serye ng mga survey ang kanilang ginawa ng PIDS upang mabatid ang mga dahilan sa kanilang paggamit ng mga daungan.
Ang distansya ng daungan ng Maynila sa mga pagawaan ang dahilan kung bakit mas gusto nila ang Port of Manila. Mas mababa umano ang singil ng Port of Manila. Ang pinaka-problema ng Port of Manila ay ang "red tape" at mga gawi o ugali ng mga nasa Bureau of Customs.
May mga problema rin sa daungan sa Batangas tulad ng katayuan ng shipping schedules, pagkakaroon o kakulangan ng allied services providers at cargo handling facilities. Palpak naman umano ang Port of Subic kung shipping schedules ang paguusapan. Isang bagay din ang layo o distansya nito mula sa Maynila.