|
||||||||
|
||
WASHINGTON--Inulit kahapon ni Cui Tiankai, Sugo ng Tsina sa Amerika na walang karapatan ang Estados Unidos na makialam sa mga lehitimong aktibidad ng Tsina sa South China Sea (SCS). Hiniling din niya sa mga may kinalamang panig na lutasin ang isyu ng SCS sa paraang diplomatiko.
Sa panayam sa mga Chinese media na nakabase sa Washington, pinakli ni Cui ang "double standard" na in-adopt ng Amerika hinggil sa land reclamation sa rehiyon. Idinagdag pa niyang inakusahan ng Amerika ang Tsina pero, hindi ito umimik sa ilegal na pananakop ng ibang bansa sa isla at reef ng Tsina noon.
Ipinagdiinan ng sugong Tsino na hindi nagbabago ang paninindigan ng Tsina sa mapayapang paglutas sa mga alitang panteritoryo at batay rito, nalutas ng Tsina, kasama ang 12 iba pang bansa ang kanilang isyung panteritoryo. Aniya pa, nagpapakita itong may sinseridad at kahandaan ang Tsina na lutasin, kasama ang mga may direktang kaugnayang bansa, ang mga isyu ng teritoryong pandagat sa pamamagitan ng diyalogo.
Kaugnay ng pahayag ng mambabatas ng Amerika sa pagdinig sa Senado na ang Tsina ay ang nakalikha ng tensyon sa SCS, sinabi ng sugong Tsino na ang Amerika ang nakakalikha ng tensyon sa rehiyon dahil sa aktibong pakikisangkot nito sa isyu ng SCS.
Pinuna rin ni Cui ang Amerika sa plano nito na magpadala ng eroplano panagupa at bapor militar sa paligid ng mga isla at reef na ari ng Tsina para magsagawa ng di-umano'y kalayaan ng nabigasyon.
Aniya pa, paulit-ulit ding tinututulan ng Tsina ang matinding close-in reconnaissance ng militar ng Amerika sa karagatan at Special Economic Zones ng Tsina, dahil batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea, walang bansa ang may ganitong karapatan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |