Kaugnay ng pananalita ng panig Amerikano na may kinalaman sa kalayaan ng paglalayag sa South China Sea (SCS), nagpahayag kahapon si Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ng malubhang pagkabahala dito. Hiniling niya sa kinauukulang panig na mag-ingat sa pananalita at aksyon nito, at huwag isagawa ang alinmang mapanganib at probokatibong aksyon.
Ayon sa ulat, sinabi kamakalawa ng isang Amerikanong opisyal na ayaw ipabanggit ang pangalan na isinasa-alang-alang ni Ashton Carter, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika, ang pagpapadala ng bapor at eroplanong militar sa rehiyong pandagat sa loob ng 12 nautical miles ng mga pulo at batuhan ng South China Sea kung saan nagsasagawa ang Tsina ng konstruksyon, para mapatunayan ang kalayaan ng paglalayag sa mahalagang rehiyong pandagat ng kalakalang pandaigdig. Anang ulat, ang aksyong ito ay hahamon sa pagsisikap ng Tsina sa pagpapalawak ng impluwensiya ng South China Sea, at ito ay angkop sa palagiang paninindigan ng tropang Amerikano sa "kalayaan ng paglalayag."
Hinggil dito, sinabi ni Hua na ikinababahala ng panig Tsino ang kinauukulang pananalita ng panig Amerikano, at dapat bigyang-linaw ito ng panig Amerikano.
Salin: Vera