Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong nakalipas na mahabang panahon, ilegal na sinakop ng ilang bansa ng ASEAN na gaya ng Pilipinas at Biyetnam ang mga pulo at batuhan ng Nansha Islands ng Tsina, at isinagawa ang malawakang konstruksyon doon. Ikinababahala at buong tinding tinututulan aniya ng Tsina ang nabanggit na ilegal na aktibidad. Dagdag pa niya, humiling ang Tsina sa mga kinauukulang bansa na agarang itigil ang lahat ng mga pananalita at aksyong lumalapastangan sa soberanya at kapakanan ng Tsina.
Salin: Vera