Napakasuwerte ng batang babae na si Charlotte Elizabeth Diana, na may dugong bughaw at isinilang na prinsesa. Hindi lahat ay may ganitong kapalaran. Isang magsasaka na galing sa Estados Unidos (E.U.), para matupad ang pangarap ng kanyang anak na babae na maging isang prinsesa ang nagtayo ng isang bagong kaharian.
Si Jeremiah Heaton ay isang magsasaka mula sa Virginia, pangarap ng kanyang anak na babae na si Emily na maging isang prinsesa tulad ng fairy tales. At noong ika-16 ng Hunyo, 2014, sa ika-7 kaarawan ni Emily, nadiskubre ni Heaton ang perfect na lugar at itinayo rito ang natatanging watawat na siya mismo ang nagdisenyo. Ang lugar ay tinatawag na Bir Tawi.
Ang Bir Tawi ay isang 2,000 square meter na tigang na lupa na nasa pagitan ng Sudan at Ehipto at tanging landas sa buong mundo na hindi pag-aari ng anumang bansa o pamahalaan. At pormal na humingi si Heaton ng permiso sa UN para matiyak ang legalidad ng kanyang bansa. Pero, ito ay isang malayo at mahirap na proseso.
Nang tanungin kung bakit gusto niyang maging prinsesa. Sinagot ni Emily na gusto niyang tulungan ang mas maraming tao at para hindi sila magutom. Para matupad ang pangarap na ito, sinimulang pag-aralan ni Heaton na kung paanong magtanim ng pagkain-butil sa lupang ito at umaasang puwedeng maging isang malaking garden ang kanyang kaharian. Natanggap na nila ang 250 libong dolyares na tulong na pinansyal, pero, ayon sa pag-analisa, kung maging totoo ang pangarap na ito, baka kailangang ilaan ang mahigit ilang milyong dolyares para matupad ang pangarap na ito.