Sa lunsod ng Fang Chenggang, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina — Isang aktibidad ang sinimulan kahapon bilang paggunita sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam at 125 anibersaryo ng pagsilang ni Ho Chi Minh, dating lider ng Biyetnam. Ang aktibidad na ito ay naglalayong palalimin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at pasulungin ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanyang pakikipagtagpo nang araw ring iyon kay Vu Xuan Hong, Presidente ng Vietnam Union of Friendship Organizations (VUFO), ipinahayag ni Jin Xiangjun, Kalihim ng Lupong Panlunsod ng Fang Chenggang, na ang kanyang lunsod ay may mahalagang papel sa aspekto ng pagpapasulong ng pagkakaibigan, at pagpapalitang pangkabuhayan ng Tsina at Biyetnam. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalawak ng dalawang panig ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan.
Salin: Li Feng