|
||||||||
|
||
Nakikipag-usap si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa mga manggagawa sa Rio De Janeiro, Brazil
Sa kanyang pagdalaw sa Rio De Janeiro, Brasil, kahapon ng umaga (local time), sumakay si Premyer Li Keqiang ng Tsina ng subway train na yari sa Tsina.
Itataguyod ng Rio ang 2016 Olympic Games kung saan ang mga subway at light rail transit train na yari sa Tsina ay malawakang isasaoperasyon.
Sinabi ng Premyer Tsino na ito ay magsisilbing pagsubok sa kalidad ng mga treng yari sa Tsina.
Ipinahayag din niya ang kanyang pag-asang mapapalalim ng Tsina at Brasil ang kanilang pagtutulungan sa imprastruktura.
Sumama kay Premyer Li si Mauro Vieira, Ministrong Panlabas ng Brasil. Ipinahayag naman ni Vieira ang pagtanggap ng Brasil sa mas maraming bahay-kalakal Tsino na makilahok sa konstruksyon ng imprastruktura na gaya ng subway, daambakal, broad band at patubig.
Ang Brasil ang unang hinto ng apat-na-bansang biyahe ni Premyer Li sa Latin Amerika hanggang ika-26 ng Mayo. Bukod sa Brasil, bibisita rin siya sa Colombia, Peru at Chile
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |