Ang tulay ng Pont des Arts ay isang heritage site sa ilog Seine sa Paris ng Pransya. Para sa mga lovers na gustong ipahayag ang wagas na pag-ibig, isang kandado ang kanilang ikinakabit sa bakod ng Pont des Arts. Pero, dahil sobrang bigat ng mga kandado at para mapangalagaan ang naturang cultural heritage site, mula unang araw ng Hunyo, sinimulang alisin ng awtoridad ng Paris ang mga nakakabit na padlocks.
Noong ika-8 ng Hunyo, 2014, bumagsak minsan ang isa sa mga 2.4 metrong barrier sa tulay dahil sa sobrang bigat ng mga kandado. At ayon sa pagtaya, lumampas sa 93 tonelada ang lahat ng kandado sa tulay na kasingbigat ng 20 elephante.
Noong taong 2006, sa nobela ni Federico Moccia na pinamagatang Scusa Ma Ti Chiamo Amore (Sorry, I love You), ipinahayag ng leading character ang kanyang walang hanggang pag-ibig sa pamamagitan ng pagkabit ng kandado at itinapon ang susi sa Tiber River. Ang kagawiang ito ay ginaya sa Roman at pagkatapos kumalat sa Europa at iba't ibang sulok ng daigdig.