Kamakailan, sumikat ang isang 2 taong gulang na batang lalaki na si Michael Rangamiz dahil sa paggaya niya kay Harry Styles, miyembro ng "One Direction", kasalukuyang pinakapopular na boys' group sa buong daigdig.
Napag-alaman, si Michael ay isang mix-blood na may kalahating dugong Iranyo at kalahating dugong Ruso. Sa mga litrato, perpektong ginagaya niya ang behavior at facial expression ni Harry, kaya, para na ring nakita ng mga fans ang totoong Harry noong 2 taong gulang lamang siya.
Sapul nang ipost ng nanay ni Michael ang mga litrato sa Internet, hanggang sa kasalukuyan, natanggap na niya ang ilang libong "like" at ilang daang comment. Sabi ng mga netizen: masyadong cute ang inyong anak at napakafashionable. Sabi pa ng ilang netizen, mas guwapo ang inyong bata kumpara kay Harry.