|
||||||||
|
||
Pinabulaanan kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pananalita ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang talumpati kahapon sa Hapon. Inihambing ni Aquino ang Tsina bilang Nazi Germany kaugnay ng alitang pandagat ng dalawang bansa sa South China Sea (SCS). Nanawagan din siya sa Amerika na gumanap ng papel sa isyu ng SCS.
Ipinahayag ni Hua ang matinding pagkagulat sa pananalita ni Aquino. Pinuna rin niya ang sinabi ni Aquino dahil ito'y walang katwiran.
Hinimok ng tagapagsalitang Tsino ang Administrasyon ni Aquino na bumalik sa landas ng paglutas ng alitan sa pamamagitan ng bilateral na pagsasanggunian.
Ipinagdiinan din ni Hua na bilang responsableng bansang nagpapahalaga sa pangako, palagiang nananangan ang Tsina sa paglutas sa isyu ng SCS batay sa diyalogo sa pagitan ng mga may direktang kinalamang bansa.
Inulit din ni Hua ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa interes na pandagat at kabuuan ng teritoryo.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |