Sinabi kamakailan ni Douglas Paal, Dalubhasang Amerikano sa isyung Tsino at Pangalawang Puno ng Carnegie Endowment for lnternational Peace, na ang darating na Ika-7 Diyalogo ng Tsina at Amerika sa Estratehiya at Kabuhayan, at Ika-6 na Pagsasanggunian ng dalawang bansa sa People to People exchanges, ay may pag-asang mapapaliit ang hidwaan ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga pangunahing isyu sa nabanggit na diyalogo at pagsasanggunian ay South China Sea, Cyber Security, kasunduan ng bilateral na pamumuhunan, at talastasan hinggil sa alituntunin sa encounters ng mga eroplano-militar ng dalawang bansa. Sinabi ni Paal na maliit ang pagkakataon ng dalawang panig sa pagkamit ng progreso sa isyu ng Cyber Security. Pero tinaya niyang babalangkasin ng dalawang panig ang memorandum of understanding hinggil sa encounters ng mga eroplanong militar at pasusulungin ang talastasan hinggil sa pamumuhunan.
Ang Ika-7 Diyalogo ng Tsina at Amerika sa Estratehiya at Kabuhayan at Ika-6 na Pagsasanggunian ng dalawang bansa sa people to people exchange ay idaraos sa Washington D.C. mula ika-23 hanggang ika-24 ng buwang ito.