Ipinahayag kahapon sa Washington ni Jerome A. Cohen, kilalang dalubhasang Amerikano sa batas ng Tsina ang kahalagahan ng paglagda ng Tsina at Amerika ng extradition treaty. Ito aniya'y hindi lamang makakatulong sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa pakikibaka laban sa korupsyon, kundi pagpapalalim rin sa reporma ng katarungan ng Tsina.
Bilang kilalang dalubhasang Amerikano sa batas ng Tsina, palaging nagsisikap si Jerome A. Cohen para pasulungin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa larangang pambatas, at sinanay niya ang maraming propesyonal na Amerikano sa larangan ng batas ng Tsina.