Idinaos kahapon ng hapon sa Brussels, Belgium, ang Ika-17 Pagtatagpo ng mga Lider ng Tsina at Unyong Europeo (EU). Magkakasamang nangulo sa pulong na ito sina Li Keqiang, Premiyer ng Tsina, Donald Franciszek Tusk, Pangulo ng Europeon Counfil(CEC), at Jean-Claude Juncker, Pangulo ng EU.
Sa naturang pulong, natamo ang maraming mahalagang bunga. Ipinalabas ng Tsina at EU ang mga magkasanib na pahayag hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima. Nilagdaan din ng dalawang panig ang mga dokumento sa siyensya at teknolohiya, Karapatan sa Pagmamay-ari sa Likhang-isip(IPR) at iba pang larangan. Narating din ng dalawang panig ang maraming komong palagay sa malawak na team.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na patuloy na manangan sa prinsipyo ng karta ng United Nations. Bukod dito, malalim na nagpapalitan ng palagay ang mga lider ng dalawang panig hinggil sa isyung nuklear ng Iran at ibang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Salin:Sarah