Sa Beijing--ipinagdiwang ngayong araw ng Tsina at Singapore ang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Sa okasyong ito, nagtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dumadalaw na Pangulong Tan Keng Yan ng Singapore. Dumalo naman sina Tan at Tagapangulo Yu Zhengsheng ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino sa isang resepsyong panselebrasyon.
Sa resepsyong ito, kapwa binigyan ng mataas na pagtasa nina Yu at Tan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Singaporean nitong 25 taong nakalipas. Ipinahayag din nila ang lubos na pananalig sa prospek ng relasyong ito.
Nitong mga taong nakalipas, isinagawa ng mga pamahalaan ng Tsina at Singapore ang mga malaking proyektong pangkooperasyon na gaya ng Suzhou Industrial Park, Tianjin Eco-City, at iba pa. Mabunga rin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan, pinansya, siyensiya't teknolohiya, pangangalaga sa kapaligiran, kultura, edukasyon, yamang-tao, pangangasiwa sa lipunan, at mga iba pang larangan.
Sa malapit na hinaharap, isasagawa rin ng Tsina at Singapore ang isa pang proyektong pangkooperasyon na may kinalaman sa modern connectivity at modern service economy. Ito ay magiging bagong tampok ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai