Nag-usap kahapon sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang kanyang counterpart na si Tan Keng Yam ng Singapore. Sinang-ayunan nila na dapat ibayo pang palalihim ang pagtitiwalaang pulitikal, pagpapalagayan sa mataas na antas, at mga kooperasyon sa kabuhayan, negosyo, pinansiya at kultura.
Sinabi ni Xi na nakahanda ang kanyang bansa na pataasin ang lebel ng kasunduang pangkalakalan ng dalawang bansa. Bukod dito, umaasa aniya siyang patuloy na pasusulungin ng dalawang bansa ang magkasamang konstruksyon ng Suzhou Industrial Park at Eco-City sa Tianjin, mga proyektong pampamahalaan sa dakong kanluran ng Tsina, at pagpapalitan sa edukasyon at panig militar.
Ipinahayag ni Tan na dapat pasulungin ng dalaawng bansa ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Nakahanda aniya siyang pahigpitin ng Singapore, kasama ng Tsina, ang mga kooperasyon sa abiyasyon, transportasyon, pinansiya, high-tech, edukasyon, kultura at seguridad.
Kaugnay ng relasyon ng Tsina at ASEAN, sinabi ni Xi na nakahanda ang Tsina na pasulungin ang mga kooperasyon ng dalawang panig sa iba 't ibang panig. Umaasa rin siyang pasusulungin ang konstruksyon ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) para pasulungin ang komong pag-unlad ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Tan na ang pagpapahigpit ng kooperasyon sa Tsina ay napakahalaga para sa ASEAN. Nakahana aniya ang Singapore na pasulungin ang relasyon ng Tsina at ASEAN sa pundasyon ng pagtitiwalaan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.